HULING TAON

By Mitch Y. Carballo / Illustration by Joshua Edrosolam

Naaalala ko pa noon, unang araw sa paaralan.
Berdeng pisara, nakahanay na mga upuan.
Takot akong maiwan ni nanay, hindi ako sanay.
Iyon pala ay ang karanasan na ito ay magiging makulay.

Bumilang ng maraming taon, lumawak ang aking mundo.
Maraming kaalaman at mga kaibigan ang nabuo.
At kahit may mga bagay na bago,nagbubunga parin ito ng kasiyahan.
Masasayang pakikipagsapalaran na para sa akin ay mahirap iwan.

Natapos ang unang yugto na akala ay iyon na ang huli.
Ngunit sa panibagong mundo na aking natuklasan ay nagkaroon ng kulay muli.
Ang mga bagay man ngayon ay hindi naging madali,
Ngunit aking kakayanin upang sa dulo ay makita ang aking nanay at tatay na nakangiti.

Maraming pangyayari ang pinagdaanan, ngiti ay kumakawala tuwing naiisip.
Mga bagay na nagpaiyak, nagpatawa at nagpagalit.
At ngayon na malapit na—huling taon ng pagpupursigi.
Ang mga taong pinagpaguran na puno ng mga aral at kaalaman ay nagtatapos sa tagumpay na aking makakamit.