Ang Istorya Nating Itinadhana

By Ivy Obando

Illustration by Joshua C. Edrosolam

Minsan na tayong gumawa ng istorya,
Naalala mo ba?
Tayong dalawa pa yung bida.
Pero mas hindi ko makakalimutan
yung eksena na,
Wala pa sa climax ngunit parang
tinatapos mo na.

Hihingi sana ako ng pahintulot
Na ibahagi sa kanila ang ating istorya.
Nais ko sanang idaan sa tula,
Sisimulan ko sa eksenang nagumpisang
pumatak ang aking mga luha.
Nagising ako sa isang madilim na umaga,
Nagtataka kung bakit may
luha sa mga mata
Bakit nagising sa isang umaga,
na wala na ang lahat?
Ikaw, ako, ang dating tayo, bakit
biglang naglaho?
Biglang namulat sa katotohanang
saki’y wala ka na.
Na ang dating aking pinapangarap,
minamahal ay nasa iba na.
Oo nasa iba na!
Ang iyong tingin, ang iyong lambing!
Naalala ko pa noon, sinabi mo
walang magbabago, walang mag-iiba,

Ngunit mahal, bakit?
Bakit unti-unti mong
dinudurog, winawasak
Ang puso kong ‘di alam ang tinatahak?
Alam mo, mas mabuti pa ang
parang tayo,ngunit hindi.
Kesa ang merong tayo
ngunit parang hindi.
Minsan naisip ko, MARKETING
nalang sana inaral mo,
Baka sakali, baka sakaling kaya
mong ipagsigawan at iyong markahan
Ang sarili mong “sold o taken”
kung kinakailangan
Para hindi ka na lapitan pa
Ng ibang sayo’y naghahangad pa.

Pasensya kung ang inaral ko’y
FINANCIAL MANAGEMENT.
Dahil sa inakala kong
sapat na ang calcu,
income statement o
balance sheet
Para mabalanse yung kulang at sobra.
At kung ako ba sayo’y
may kwenta’t halaga?
O kaya, sana nag HR ka na lang!
Para noong una pa lang
Ako’y kinilatis mo na,
kung ako’y qualified ba
At pang habang buhay mo na,
Hindi yung pang-partime mo lang!
O baka naman, tadhana’y gusto
tayo’y magLEGMA na lang.
Legma, legal management
yung may kontrata!
Kontrata, hindi mo na ko
maaring bitawan pa,
At Kontrata na wag mo ko
lolokohin at walang iba.
Dahil, oo nga’t nasa akin ka
pero puso’t
isip mo’y nasa kanya.
Oo nga’t may tayo pero bakit parang
sinasabi mo ” mahal itigil na natin to.”

Oo nga’t nakikita kitang masaya,
Ngunit hindi na pala ako ang dahilan!
Dahilan ng pagguho ng aking mundo,
at unti unting pagdurog nito.
Hindi ko alam kung
ano ang gusto mo,
O baka hinihintay mo nalang
ako ang sumuko.
Ngunit hindi na pala kailangan,
dahil diniretso mo na ako.
Ang sabi mo:
“patawad pagod na ako.”
Walang gabing di ako umiiyak,
Walang araw na di kita hinahanap,
At walang oras na di kita iniisip.
Ngunit dumating isang araw,
aking napagtanto,
Nakakapagod din pala
itong ating LARO!
Oo LARO! dahil sa pagkakataong ito
Ay ako ang talo.

Pero ako’y muling tumayo!
Hindi para ika’y habulin,
kundi ika’y
dapat nang limutin.
At ang lahat ay dapat ng tanggapin,
Na ang merong tayo,
ngayo’y meron nang kayo.
At ang dating mahal
natin ang isa’t isa,
ngayo’y ang mahal mo na ay siya.
Bago sana matapos
 itong pyesa,
gusto kong humingi ng tawad.
Oo patawad, kung ako
sayo’y di naging sapat.
Pero mahal, iba siya, iba ako.
Minahal kita sa paraang alam ko
Ngunit tadhana’y sadya lang
tayong pinagtagpo.
Kaya mahal, handa ko nang
tapusin itong ating kwento
At ilagay sa libro na ma’y titulong:
“Ang istorya nating itinadhana,
ngunit hindi itinakda